
Mag isa si Braig sa baybaying ito. Nakatanaw sa malayong bundok at kabilang bayan na yun sa kaliwa. Asul na tubig, asul na bundok, green na halaman sa kalayuan, ulap sa taas, habang busy ang buong mundo sa kani kanilang mga business. Kanila na lahat ng bagay , pera, pag ibig , lahat ng materyal na bagay , pero kay Braig ang peace of mind. Maraming mangingisda sa dagat na to sa pagitan ng Talisay at Barangay Bagasbas. Mga taong namimingwit, sikat ng araw , sa Likod ng bundok na yun ang Paracale sa harapan ang Labo, Camarines Norte. Ang tanawing ito ay ginawa ng Dios para lumigaya ang tao, sa mundong puno ng kapighatian, kalungkutan, kasawian at kabiguan, masakit para kay Braig. Parang isang panaginip na nangyayari ang lahat. Pag hihiwalay, pag - iisa. Kamatayan lang ang makapagpapalaya sa kaniya sa pag hihirap sa mundong ito. Ang katotohanan , napakapalad ng mga taong namatay na sapagkat ika nga ni Rizal : " In death , there is rest." " To live is to dream, To die is to awaken" La Bamba. Ang tagumpay ng sangkatauhan ay kung papano niya dinisiplina ang sarili para sundin ang kalooban ng Dios wala ng iba pa. Kung mahal si Braig ni Acarii bakit di siya naman ang pumunta sa Daet? Para malaman niya at maramdaman talaga ang tunay na pagmamahal.

No comments:
Post a Comment